Watch more on iWantTFC MAYNILA — Bitbit ni Charito Chavez ang vaccination card niya pero imbes na diretsong sasakay na sa bus sa PITX, kailangan pa pala niyang pumila para magpa-antigen test.
"Medyo naguluhan nga ako... Ang sabi ticket lang bibilhin, wala nang antigen o swab... Nung bumalik kami kailangan daw may antigen pa buti kamo may extra akong perang dala, eh kung wala, babalik kami ng asawa ko," hinaing niya. Maaalalang Linggo nang sabihin ng Palasyo na para sa mga fully-vaccinated, maaaring vaccination card na lang ang ipakita sa destinasyon imbes na COVID-19 test result.
Pero matapos ang reklamo ng ilang LGU, sinabi ng DOH na balik muli sa dating direktiba habang pinaplantsa pa ang gusot kasama ang IATF."While we do not fully agree with guidelines... We are tied to the guidelines... We are confused but 'yun nga po we are left with no choice," ani Nikko Templonuevo ng Catanduanes Public Information Office.
Hindi raw kasi puwedeng magpatupad ng uniform o iisang protocols sa buong bansa dahil iba-iba naman ang sitwasyon ng mga LGU.Naniniwala naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na posibleng may mga biyaherong mameke ng vaccination cards kaya sasalang pa rin sa screening sa triage ang mga fully vaccinated na hindi sa Baguio nabakunahan.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
NetflxandJill Oo, pottacau. Ayusin niyo pag uusap niyo!
Ganyan talaga pag bobo ang namumuno.
Lahat kasi sa pandemyang ito ay pinagkakakitaan ng gobyerno kasama ng mga kaibigang oligarko. Saklap lang maging Pinoy sa administrasyong ito.
All this red tape and people get mad at me instead when I say 'taxation is theft.'
Where is the lie?😂😎
Face shield nga lang, iba iba na statement, yan pa kaya.
Parang laban laban o bawi bawi. 🤦🏻♀️
D na natotot
Ask DDS. Sila lang nakakaintindi kay Duterte.
I’m not surprised.
mahal na accommodation tapos mahal pa magpa covid test,, mas mainam na wag na lang mamasyal sa lugar na kay dami-daming ka-eekkan sa requirements. Bahala na ang mga LGU ang provide ng income ng mga negosyanteng malulugi dahil sa kanila
Lahat kasi sila tingin sa sarili DIYOS laging may tama, kahit palaging magkaiba ang sagot 💩💩💩💩💩 DuterteLegacy DutertePalpak
If your president is inutile and his staff are also useless inutile. This what happens 😏
Hihilingan nilang magpabakuna mga tao... Tapos need pa rin ng RT-PCR test sa ilang LGU? Bakit?
Ang theme song ng gobyerno…Urong Sulong…pasok Regine Velasquez
Abscbn lng nmn ang nalilito. Mga bobo kase ngppatakbo. 😅
trial and error, hit or miss, 🤣
Bakit kasi ayaw pa nila mag group chat? Try nila para naman pare pareho sila ng pagkakaintindi.
Holiday Holiday Latest News, Holiday Holiday Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »