Ginagawang isyu ng bashers ni Daniel Padilla ang gagawin nitong concert sa June 7, 2024 sa Davao del Norte Sports & Tourism Complex. “Pagkakaisa” ang title ng concert at tila kasama sa gagawing Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa nasabi pa ring venue. Nakalagay na date ay June 7-8, 2024, so, mauuna ang concert ni Daniel.
Hindi pa rin maka-move on ang bashers ni Daniel at tama ang comment ng isang netizen na ang iba ngang hardcore supporters ni Leni, nag-perform na rin sa Bagong Pilipinas Pagkakaisa Concert, bakit kay Daniel, galit na galit sila? Samantala, ang publiko at ang press people ang parang hindi pa nakaka-move on sa breakup nila. Lagi ‘yun ang tinatanong kay Dominic kapag nai-interview. Kahit siguro ilang ulit pa niyang sabihin na okay siya, tatanungin pa rin siya.